Mahilig ako sa pork lalo na pag sizzling kasi ang sarap. Lalo pag pinaparesan ng coke (dont worry po minsan lang sa isang buwan ako kumain niyan lakas maka cholesterol kasi).
May nahanap ako sa Pasig na ganito ang sineserve. Naka ilang balik ako satisfying kasi at murang mura pa I think 100-120 plus and ang di nawawalang sabaw. Maganda din ang interiors at presko pa din naman kahit electricfan lang.
Since nadiscover ko ito noong 2023 dito lagi ako nagsa-silent celebrate after week-long na pagbuno sa trabaho kada Friday or weekend - at dumating ang mga bakla.
Nung una friendly ang isang bakla at nakakausap ko ng matino. Minsan nagpapa suggest ako sa kanya ano recommend niyang masarap or best seller. Pero dumating mga ibang bakla. Mga baklang parang may gustong patunayan. Early 2025 yung isang bakla na nasa cashier - para kang nag dedefend ng thesis! English pa at nakataas ang kilay! Palakas pa ang boses! Ngayon nalingon ako sa unang bakla na nakausap ko kasi mukhang siya lang matino pero di siya nalingon pabalik. At nung nagkasundo na kami ng putragis na baklang cashier biglang nagulat ako lumaki na din pala ang presyo. Dating 100-120 ngayon 140-160 na. Eyy inflation is real! Tho maliit lang pero nakakapikon ang delivery ng pagsabi niya na lumaki na ang presyo kasi parang pinagmumukha niyang ang slow ko at di agad nakita ang presyo meron nang tape. Sasabihan ko sana "nakaharang ang ulo mo at halos ang liit ng paglagay ng tape di na makita leche ka."
At dumating na ang pagkain - disappointed. Wala na yung lasa. Puro na din taba. Pati sabaw matabang. Ang liit na din ng pork. Wala na. JJ na. Di na worth it. Umalis ako nang malungkot at nakita ko yung unang baklang nakausap at mukhang nagegets niya yung pain ko.
Simula nun never na akong kumain sa kanila. Napapadaan pa din ako sa street nila kalimitan at di na gaano nagkakaroon ng tao. At after ng ilang weeks BAM sarado na! Nalugi ata! Di na tina-tao e!
Lesson learned: customer experience is the best investment if gusto niyong mas maging successful ang business niyo. Okay naman sa akin price increase ng kaunti pero putragis ayoko ko po mag QnA at pakiramdam nakikimataasan pa ako bago kumain! Sira na ang mood wala pa ang pagkain! Di ko lang din alam kung same experience ng ibang suki nila ang naranasan ko at reason ng di pagbalik pero pipikunin ka muna kasi. Hahaha.
Disclaimer, madami akong friends na bakla. Friendly ako sa kanila and sila din sa akin. Not giving the idea na pagbakla ang cashier or tagapangasiwa e lulugmok na. No no no. Maaaring outlier na bakla lang naranasan ko.
It's been 2026 and I still remember it vividly lalo pag may epic fail restaurant experience ulit akong nararanasan. Yep, it stings and lasts long kahit na mababaw lang ito.
Edit: Naging English pala lahat nung pinost ko galing r/offmychest haha iyan na po orig Tagalog version:)