r/WLW_PH • u/New-Opportunity7671 • 2h ago
Question / Advice / Suggestion Paano ba to matigil? Natatakot na ako, seryoso
Problem/Goal: Paano ba mag-move on sa (semi) ka-talking stage na wala namang nangyari talaga?
Context: Sabi ko mawawala rin 'to basta i-maintain ko lang 'tong no contact. Committed naman ako sa ginagawa ko, wala namang hiccup. Ang kaso, one year na this month simula nung una kaming nagkausap, wala pa rin talab!!
Eh may nakikita ako dito mga 5 to 6 years daw bago nakamove on sa situationship nila T_T. Seryoso ba kayo?? So highkey, natatakot ako. Malapit na ako mag-30s. Ayoko naman ng ganun.
Namimiss ko na magkaroon ng relationship ulit sa totoo lang, pero ayoko ng ganito pa rin nararamdaman ko sa kanya tapos kakausap ako ng iba.
Feeling ko nga nagch-cheat ako pag naiisip ko na kumilala ng iba--hindi naman kami nag-uusap! May tawag ba dito? Need ko ba therapy? Hindi ko makita yung magandang ending ng sitwasyon ko.
Bakit hindi na kami nag-uusap? Kasi feeling ko di naman niya ako gusto/magugustuhan, so tinigil ko na agad at ayoko naman sayangin oras namin parehas.
Minsan feeling ko nagpaparainig siya sa IG (dito kami nag-connect from Reddit), pero ang hirap naman mag-assume (at malaki naman talaga chance na delulu lang ako, diba?).
Ang sure ko lang, hindi ako ever magkakaroon ng lakas ng loob mag-reach out ulit dahil di na kaya ng self-esteem ko sa totoo lang.
Nung nag-post ako sa R4R, last hoorah ko na sabi ko sa sarili. If di mag-work, papahinga muna ako. Eh anong tawag dito? Walang kausap pero isang taon nang nga nga?
Gusto ko na lang mawala nararamdaman ko, at magsimula ulit. Gusto ko i-work out 'tong nararamdaman ko before matapos ang taon.
Iba rin kasi yung pressure ngayong holidays. Sanay na ako mag-isa, pero parang di ko tanggap na mag-holidays nang may iniisip. Yun din kasi issue ko, sobrang independent ko kaya naninibago ako.
Mabigat din sa akin dahil nga mag-30s na ako. Baka yung mga ka-edad ko or yung mga nalagpasan yung ganito, may mabigay kayong perspective.