r/commutersph • • 12h ago

Overloading Bus and Ejeep

Post image

Just a rant. Hopefully nakikita ng LTO or LTFRB tong mga to lalo na around galleria. Not only is this unhygienic, for safety din na hindi dapat ganto. Last time I checked 62+2 lng maximum capacity ng ganyang gliner bus but when I counted nung nasa loob pa ako 90+ pinagkasya nila. Nung nagreklamo ako nagalit pa konduktor and sinabihan akong bumaba na lang kung maarte.

200 Upvotes

45 comments sorted by

86

u/El_Napoleon_06 12h ago

can’t really do anything immediate about it. yung driver at konduktor definitely gusto nila punuin as much as possible. yung mga pasahero namang nakapila or naghihintay, usually gusto rin nila ipilit pumasok sa whatever available bus hanggat kasya pa. most of them don’t have the luxury of time to wait for the next bus. so essentially everyone’s goal leads to situations like that na punong puno yung bus

37

u/LowAgile9969 12h ago

Ayun ung mali sa sistema eh, nasanay tayong ganyan. This should be a reminder to vote wisely kasi this should be really unacceptable

25

u/staygigachad 12h ago

Idk why youre getting downvoted. Totoo naman na bulok systema dito sa pinas haha. yet people are forced to tolerate it just to survive.

4

u/NerdyBoi17 7h ago

blame the system not the drivers conductors and etc. need lang nyan kumita for everyday expenses

1

u/OpeningRound2918 3h ago

And who voted for that system?
We know it’s a cycle. Pero if meron dyan a shred of dignity, principle and common sense sa owner, driver, conductor. They can enforce the safety and cleanliness, and passengers will follow. Tingnan mo sa airport and seaport natin they follow the regulations. So it begs the question is the system at fault or the people?

Papayag ako makipagsiksikan kung walang masakyan especially sa malalayong probinsya. Pero hindi ako papayag na mag cocommute araw araw na parang baboy papunta sa katayan.

Chaos provides opportunities to people who already have the advantage in life.

1

u/NerdyBoi17 47m ago

again the system puts then on that cycle. hindi sila kikita sa araw na yan kapag hindi magpupuno, quota porsyentuhan system yan and yung iba boundary system pa rin. They are not paid by the hour and also lack of public transpo, marami na ibang bus conpany ang nawala at nagsara lately dahil nalugi at natalo nang mga "modern jeep/uv aka mini buses" so there is one factor pa

2

u/El_Napoleon_06 11h ago

yeah i agree system nga yung may problem, kaya yung comment ko is “can’t really do anything IMMEDIATE about it”. i just don’t want to blame yung driver/konduktor and yung mga pasahero kasi pare-pareho lang rin naman silang mga biktima ng sistema

1

u/FrereKomnene 7h ago

The boundary system needs to go. Unfortunately, dahil sa sistema na yan, kayang kontrolin ng operator ang tao nila, at kayang bayaran ang mga nasa LTFRB para di na sila pansinin

1

u/Active_Rip3551 11h ago

Agree. Yung pila sa Robinsons Galleria grabe Jan pag rush hour Kase may mga pasahero na bigla nalang sisingit at Sila pa Ang Galit. Medyo goods din barker dun Kase Minsan hinaharangan nila Yung mga sumisingit.

Yung sa pila Naman ng modern jeep. Grabe din, isipin niyo lumabas na yan Ng terminal na complete passenger tapos magpapasakay pa Yan ng standing. Not sure if legit ito pero may nakausap Ako na driver n yung nakukuha nilang kita paglabas ng terminal ay sa kanila na Yun or may 10% share si operator dun.

Not gonna lie pero parehas mahirap both passenger na galing terminal na fixed ang binayaran pati Yung mga nakikipagsiksikan para makauwi. Dito natin makikita kung gaano kalala transportation sa Lugar/bansa natin. Napag iiwanan na Ang Taga east pagdating mode of transpo 🙂

24

u/IllustriousFunction6 12h ago

welp di na yan talaga maiiwasan and I can't blame yung mga pasahero na gusto na talaga makauwi, pero I can't excuse naman yung behavior ng konduktor, report mo nalang sa LTO o LTFRB sa pag overload ng bus at behavior din ng konduktor.

1

u/Steeb_Jawbs 9h ago

hi how do you properly record evidence when i wanna do this

4

u/IllustriousFunction6 7h ago

which one, pag overloaded or masama ugali ng driver/konduktor?

If overloaded, if pwede ivideo mo or ipic at visible ang company, unit number and plate number, know the time and date na din at kung san nangyari then report it to the ltfrb hotline 1342 or emails are: [complaints@ltfrb.gov.ph](mailto:complaints@ltfrb.gov.ph) or [pacd@ltfrb.gov.ph](mailto:pacd@ltfrb.gov.ph), you can also try reporting in person or social media

19

u/IndifferentShrimp 12h ago

"kasya pa."

Sardinas ass e jeep/bus

We're just a few steps from being India's commute.

Kadiri lang

6

u/mtklzrm 11h ago

that’s what will keep happening kung hindi matuloy ang mga correct train lines.

5

u/No-Information-7981 11h ago

We dont have a choice. Dito din samin ganyan, dahil walang masakyan o di kaya puno lahat ng dumadaang bus/jeep nasiksik nalang kami paminsan nga may mga nasabit pa sa likod ng jeep eh.

4

u/juice_colored_spzl 12h ago

Kahit po sa traditional jeep ganyan din. Upuan mo 2 inches nalang. Ahahaha

2

u/Specific_Show_1923 11h ago

dapat na talaga repasuhin ang provincial rate kaso puro inutil nakaupo sa gobyerno.

2

u/Advanced_Ear722 11h ago

imagine pati ung daanan ng bus dalawang tao nakatayo, tapos magagalit ung konduktor kasi di sya makadaan, like "ok ka lang ba?" pinuno mo tapos maiinis ka kasi hindi ka makadaan... sadly most people do this everyday... kahit ung iba pwede naman mag WFH ayaw ng gobyerno dahil sa economy! dapat mga public officials walang private vehicle mag commute din sila tulad naten! not just 1 day or 1 month... their whole term hanggat hindi nila nasosolutionan yan

2

u/keny427 10h ago

Pikit mata ang LTO at LTFRB sa ganito OP. Wala kang aasahan sa gubyerno. Mga di kasi nagko-commute mga opisyal dyan.

Ine-exploit ng mga driver at conductor yung kagustuhang makauwi ng mga pasahero. Kaya si pasahero, no choice kundi sumiksik sa bus o modern jeep para lang makauwi. Dehumanizing experience yan sa totoo lang.

Ang titigas pa ng mukha ng mga konductor, di talaga aalis ng PITX hanggat di pa sardinas sa sikip. Quing ina, yung pwet ng pasahero nasa mukha mo na sa sobrang siksikan.

Wala ka talagang aasahan sa Pinas.

2

u/SnooChipmunks1285 8h ago

Wala kang magawa jan kasi naka boundery system sila. Pabor sila jan dahil extra income sa take home at the same time pabor din minsan sa pasahero para makauwi maaga.

Unfair din sa LTFRB minsan sa ganyan kasi nililimit din nila mga prangkisa ng mga bus

2

u/eysauce 1h ago

Baka mag-iba sentimento mo kapag ikaw na yung ilang oras nagaantay pero di pinasakay kahit kasya pa sa gitna

1

u/LowAgile9969 34m ago

Its about perspective, sure ako magiiba din sentimento mo if something bad happens. Hindi dapat isacrifice safety and hindi dapat luxury ang convenience

1

u/prettylittlebabyahah 11h ago

di rin naman nakakapagbayad lahat yan haha. pano mo masisingil lahat kung di ka makakaikot dahil punuan? lugi na sa gas, lugi pa dahil di nakapagbayad lahat

1

u/BusRepresentative516 11h ago

Ortigas as always saka kaya ung plano sa MRT-4 gagawin heavy rail

1

u/Leather_Emu8295 11h ago

Pwede ba ireport yung ganyan? Videohan then hopefully may makakita? Grabe kasi talaga as in malala pa sa LRT/MRT magsiksik yang mga yan. I had an experience not too long ago, galing ako tagaytay and bababa ng sm bacoor, nakaupo naman ako pero sobrang dami sinakay nung bus tas pagdating ng sm bacoor pinapababa kami, as in minamadali, ayaw man lang itabi, e di nung hindi kami makababa napamura na ko, sabi ko tangina pano bababa e pinuno niyo ng sobra tas mamadaliin niyo pa? Katwiran ng driver, ganyan din daw sa MRT/LRT, tapos yung babaeng nakaupo sa tabi ng driver, dun sa stairs ng bus sabi banaman sakin, bumili ka sasakyan kung ayaw mo ganito. E di nagpantig tenga ko, di ko napigilan napikon talaga ko, kung ano ano na sinabi ko to the point na nakikipagmurahan na ko hanggang makababa ako, e andami ko bitbit tas kasama ko tita ko and baby niya na hindi makababa kasi siksikan nga, yung bobong driver ayaw pa din itabi tas puro dakdak, nakababa na ko and sinasabi ko sa kanya itabi niya para makababa yung iba, akala ata naghahamon ako suntukan kasi sabi ko itabi mo bobo ka hahaha. Nakababa naman kami pero isang sakong mura inabot sakin nung driver. Mga bwiset e

1

u/Avocado_Krinkel 11h ago

I actually emailed LTFRB about this, since Makati 7-8am and 5-7pm ganyan.

Ang sagot sakin is report the bus, most likely need to provide evidence. Instead of deploying enforcers, may citizen nang gumagalaw, papahirapan pa mga magrereport. Oh well, PH government.

1

u/_blaire1998 11h ago

Sadly, sa hirap ng transportation system dito, kahit commuters, ipipilit talagang makasakay sa punong bus. Jusko naman kasing sistema ’yan! Yung ilang minutong hindi ka makasakay, malaking dagdag na agad sa ETA mo.

1

u/birdie13_outlander 11h ago

Ingat, may mga nandidikit ng ari nila dyan plus may magnanakaw rin.

1

u/cascade_again 10h ago

huy totoo pero lalo na if yung route ay pa-probinsya like Lucena. Or Lucena to Manila asahan mo na minsan sumasayad na yung bus sa sahig or sa ramps kasi sobrang crowded. I experienced it 4 times na tapos may mga nagagalit talaga na pasahero na bakit daw nagpasakay pa tapos delikado na pala. Sabi naman ng driver ay lagi naman nila sinasabing puno na at yung mga gusto lang din makauwi ang pumipilit tiisin yung risk at sitwasyon na ganyan.

Grabe kabulok ang sistema, di mo naman masisi lang din alone ang drivers kasi kahit sila ay lugi na din naman talaga. Nakakauwi tayong lahat

1

u/Professional-Fly4683 10h ago

I really hope people who encounter these overloading buses or whatnot, picturan palagi yung sasakyan and ireport sa LTFRB. If not haha ipost niyo para makarating sa mga providers at sa mga commuters na iwasan yung ganon. Hindi na dapat natin to tinotolerate.

1

u/FRUITYloopszX 10h ago

Been working for 3years and sobrang eye opener talaga ng public transpo sa pinas. There's something jn me na gusto mo talaga isumbong sa ltfrb na sobrang punuan na kapag may baba sa dulo need mo pang lumabas kapag nasa unahan ka kasi nga may mini-meet din na quota ang mga driver minsan kaya grabe sila magpasakay pero it's your choice if gusto mo talaga makipagsisikan para makauwi agad or mag aantay ka pa. Pero ilang beses ko na rin na-exp na tumayo sa mga bus or e-jeep lalo na kapag uwian, people will choose to ride kahit na puno na para makauwi nang maaga kasi maaga rin ang pasok nila kinabukasan. Diba nakakapagod?

Hindi yung trabaho nakakapag kundi ang paraan kung paano ka uuwi. Bakit hindi pa rin tayo galit sa mga nakaupo sa itaas? Saan napupunta ang mga binabayad natin saknila kung tayong nasa laylayan ang naaapektuhan?

1

u/cstrike105 10h ago

One reason ayaw ko na mag commute pag siksikan. Stress lang abutin mo

1

u/mushookiez 10h ago

Minsan di na rin nila mapigilan mga commuters sa pagpasok. Kase lahat gusto makauwi nalang or makarating sa paroroonan.

1

u/daddyseokjin21 10h ago

Kaya mas trip ko nalang mag jeep eh. Naiinis ako sa kaliwat-kanan na system nila sa ebus and jeep

1

u/pan4pan 10h ago

FTI bus tatlong linya pa yun sa mga nakatayo grabee

1

u/Dreamboat_0809 10h ago

This is what you deserve madlang pipol - Politicians.

1

u/piloto616 9h ago

Wag din sana natin isisi sa driver at kundoktor. Yung ibang pasahero din kasi nagpupumilit kahit puno na makauwi lang / makapunta sa destination

1

u/Forward_Pirate5858 8h ago

So many times in the past i had to experience this but my worst was in 2018.

It was a Friday, around 5 PM. I tried to flag a taxi sa Ayala, Makati but with no luck. Wala naman ako Angkas or Grab app.

Left with no other choice, at me bitbit pa kong mabigat na bag & some plastic bags, i had to resort taking a bus from Ayala to Buendia LRT. Taena, di pa nakaka alis ng Makati yung bus, sardinas na. Also yung travel time, inabot ako ng 1 hour & a half to get to Buendia LRT.

Mas mabilis pa yung byahe ko pauwi ng Batangas afterwards.

1

u/Traditional_Crab8373 7h ago

Well no choice din nmn if ever gusto mo na umuwi. I experienced this sardinas mode ulit last month nung limited yung route of LRT2. Siksik sa Mini Bus then 2hrs standing ovation 😭😭

1

u/jpaps_elixir31 6h ago

Parang modus na nila yan.. Sasabihin lang nila na walang pilitan pero bawal dapat yan.. Halos lahat ng ejeep ganyan kahit pa FTI..Huhu grabeng pilipinas:(((

1

u/Velvet_Celeste36 5h ago

"kase 💴'boundary'💶 yan"

1

u/halifax696 12h ago

we are overpopulated

1

u/Dry_Seat_6448 12h ago

Pipiliin mo bang maghintay ng ilang oras para makauwi at sobrang luwag ng sasakyan or makikipag sagupaan ka sa rush hour makauwi ka kagad sa tahanan mo at makapag pahinga na?

1

u/Key-Muffin9419 8h ago

In other news water is wer

0

u/Genocider2019 10h ago

Matagal nang problema yan. Do you ever see other countries, like India, China, SEA, or any other countries that are overpopulated? Even Japan also have something like this when its rush hour. Everyone wants to go to work on time or go home early. And if you want convenience, buy your own vehicle and add to the growing number of Privately owned vehicles on the road.