Nagbook ako kanina ng angkas around 5:30. From manila to santolan pasig
Wala pang 30 mins sana yung byahe ko kaso nakipag talo pa tong rider na to sakin. Sinabi nya na mas mabilis daw pag sa bridgetown dumaan, pero ako na everyday nagbbook ng ride for work, alam ko na mas mabilis sa edsa so sabi ko mag edsa kami.
Pero di sya nakinig dumetso parin sya pa bridgetown. Nakita ko yung eta sa maps nya na from 14 mins nalang naging 24 mins pa. Nung ni-call out ko yung eta inalis nya yung maps sa phone nya.
Dun palang nainis na ko, sa dami ng stoplight at traffic na nadaaan namin. Ilang beses ko pa sya sinabihan na umikot nalang kami para mas mabilis yung byahe kasi late na ko sa work ko dahil sa kanya pero wala talaga.
Then around bridgetown central park, may fun run pa pala. So mas traffic. Then eto pa, binangga nya yung isang organizer sa fun run, yung leg ko pa mismo yung bumangga sa organizer.
Inis na inis na ko sabi ko igilid nya na at baba na ko.
Pag check ko sa app to report this guy sana. May cancel option pa, meaning di sya nag change status na nag start na yung ride.
Sabi nung isang nakausap ko na rider modus daw to ng ibang rider para walang cut yung angkas sa fare mo. Tapos wala pang liability si angkas kasi nga sa system nila walang ride na nangyari. So wala rin insurance or whatnot
Ngayon hirap ako ireport tong hayop na to since wala sa history yung ride since canceled nga.
Edit: Also, okay naman yung organizer I think since napa atras lang naman sya sa impact.